Arirang - Task Sheets (Dayuhang Wika 2 - Wikang Koreyano 2)
Synopsis
Inihanda ang sanayang aklat na ito para sa mga mag-aaral ng Wikang Koreyano 2. Layunin nito na lalo pang hasain ang kanilang kasanayan sa pagbasa at pagsulat ng dayuhang wika. Inaasahan na magiging tulay ito upang ipagpatuloy ang naging mabungang pag-aaral ng Koreyano 1 sa nakalipas na termino. Minabuting nasa Wikang Filipino ang sanayang aklat na ito para sa mas mabisang pagkatuto at paguugnay ng mga kultural na aspeto. Kalaunan ay inaasahan na madebelop sa mga mag-aaral ang sensitibong pagtingin sa kultura tungo sa epektibo at matagumpay na pag-aaral ng wikang Koreyano.
