The Use of Pre-Reading Strategies for Scaffolding to Enhance the Reading Comprehension of Grade IV Pupils

Authors

Bonna B. Sandig

Synopsis

Layunin:
Ang pananaliksik na ito ay naglalayong malaman ang bisa ng paggamit ng panimulang pagbasa upang maging balangkas sa pagpapalawak ng pang-unawa sa pagbasa ng mga mag-aaral sa Ikaapat na Baitang.

Paglalahad ng Layunin:
Ang pangunahing layunin ng pag-aaral na ito ay upang malaman kung ang paggamit ng panimulang pagbasa bilang istratehiya upang maging balangkas sa pagpapalawak ng pang-unawa ng mga mag-aaral sa ikaapat na baitang ng Mababang Paaralan ng San Juan.

Buod:
Ang pag-aaral na ito ay naglalayong magsaliksik sa paggamit ng istratehiyang panimulang pagbasa upang maging balangkas sa pagpapalawak ng pang-unawa sa pagbasa ng mga mag-aaral sa Ikaapat na Baitang. Dalawang klase ang nakatalaga bilang pangkat na pina-aaralan at pangkat na kontrolado. Sinusubukan din nitong malaman kung anong kakayahan ang nagpapalawak ng istratehiyang panimulang pagbasa na siyang pangunahing istratehiyang ginamit sa pag-aaral na ito. Ang dalawang klase ay sumailalim sa limang linggong pag-aaral. Ang pangkat na pinag-aaralan ay gumamit ng istratehiyang panimulang pagbasa samantala ang kontroladong pangkat ay nakatalagang gumamit ng nakasanayang panimulang gawain. Ang paghahambing sa dalawang pangkat ay ginamitan ng disenyong panimulang pagsusulit-pagtatapos na pagsusulit. Isinasaad ng resulta na ang pinag-aralang pangkat ang siyang nakinabang sa kanilang pagkakalantad sa panimulang pagbasa at ang pagkakaiba nito sa kontroladong pangkat ay malinaw na ipinakikita. Ang pagtaas ng marka ng pinag-aaralang pangkat ay nagpapahayag ng makabuluhang pang-istatistika t (37) = 9.28 (p. .05). Ipinahahayag ng mga bilang na ito Ë‚ na ang pagkakagamit sa istratehiyang panimulang pagbasa ay nakatulong nang malaki sa pinag-aaralang pangkat. Ang mga aspeto ng pagbasa na nakitaan ng malaking pagbabago sa kanilang marka ay pagtatala ng detalye, pagsusunod-sunod ng mga pangyayari, pagbibigay-hinuha sa maaaring bunga, at ang pagkuha ng pangkahalatang kahalagahan ng kuwento sa hangganan ng kakayanan ng mga mag-aaral.

Cover for The Use of Pre-Reading Strategies for Scaffolding to Enhance the Reading Comprehension of Grade IV Pupils
Published
August 30, 2018
Categories