Edukasyon: Saan Patungo?
Synopsis
"Mas maganda ang kinabukasan kung may pinag-aralan." Ito ang kasabihang palaging nababanggit ng mga magulang sa kani-kanilang mga anak. Nangangahulugan ito na mahalaga ang edukasyon sa tagumpay ng isang tao. Kung gugunitain natin ang nakaraan sa ating kasaysayan, masasabi natin na hindi pinabayaan ng ating mga ninuno na lumaking mangmang ang kanilang anak. Mula sa panahon ng ninuno hanggang sa kasalukuyan, anu-ano kaya ang mga pag-unlad na nangyari sa larangan ng edukasyon? Ano ang masasabi mo sa uri ng edukasyon na iyong natatamo sa kasalukuyan? Sa modyul na ito ilalahad ko sa iyo ang uri ng edukasyon sa iba't ibang panahon sa kasaysayan ng ating bansa.
