Ang Pilipinas sa ilalim Ng Batas Militar
Synopsis
Hindi naging kaila sa atin, mula sa nakaraang modyul, ang mga hamon ng pagiging malaya. Hindi lubusang nabigyang lunas ang suliraning pangkabuhayan sa panahon ng pamumuno ni Pangulong Macapagal. Ito ang nagbigay daan para sa pagkahalal ni Pangulong Marcos. Sa modyul na ito, liliwanagin sa iyo ang mga dahilan ng pagkadeklara ng Batas Marsyal ni Pangulong Marcos at ang mga pagbabagong naganap sa panahon ng Batas Militar. Gagabayan ka ng modyul sa pagdedesisyon kung nararapat o hindi ang batas militar sa ating bansa. Subalit nasa iyo pa rin ang huling paspapasya. Ang matututunan mo sana sa modyul na ito ay magsilbing aral upang hindi na maulit ang masamang karanasan nating mga Pilipino.
