Ang Saligang Batas at mga patakaran at prinsipyo
Synopsis
Sa mga nakaraang modyul, napag-aralan mo ang iba’t ibang uri ng pamamahala sa iba’t ibang panahon ng ating kasaysayan. Sa modyul na ito, unawain natin kung ano ang nagpapatatag ng ating pamahalaan. Unawain natin kung ang ating bansa ay isang nasyon o isa nang estado. Ano ang mga elemento ng isang estado? Saan nagsimula ito? Bilang elemento ng estado, ano ang pamahalaan at ano ang gampanin nito? At sa pagpapatatag ng ating pamahalaan, ano ang gampanin ng saligang batas? May saligang batas ba ang Pilipinas? Ang lahat ng mga tanong na iyon ay sasagutin natin sa modyul na ito.
