Ang Filipino Bilang Wika sa Matematika: Isang Palarawang Pagsusuri sa Kaso ng Isang Pribadong Paaralan

Authors

Myra S. Broadway

Synopsis

Sa pag-aaral, layuning malaman kung may espasyo ang Filipino sa klase ng Matematika. Tinutugunan ng pananaliksik ang sumusunod: 1) Ano-anong yugto ng klase sa Matematika nagagamit ang Filipino?; 2) Paano napadadali ng Filipino ang pagtalakay at pag-unawa ng mahahalagang konsepto sa Matematika?; 3) Paano makabubuo ng patakarang pangwika sa larangan ng pagtuturo ng Matematika? Upang makatugon, isinagawa ang sumusunod: paghingi ng pahintulot sa administrador ng paaralan; pagbuo at balidasyon ng instrumento; pagmamasid sa mga klase; pagsasagawa ng FGD sa mga mag-aaral; pakikipanayam sa mga guro; at pagbuo ng mungkahing patakarang pangwika.

Cover for Ang Filipino Bilang Wika sa Matematika: Isang Palarawang Pagsusuri sa Kaso ng Isang Pribadong Paaralan
Published
September 20, 2018
Categories