Pagbuo ng Glosaryong Filipino sa mga Agham Panrehabilitasyon
Synopsis
Ang pag-aaral na ito ay naglalayong makabuo ng isang glosaryo ng mga piling termino sa larangan ng mga Agham Panrehabilitasyon. Ang pagbuo ng glosaryong tulad nito ay isang malaking hakbang sa pag-iintelektwalisa ng Wikang Pambansa. Magsisilbi itong gabay sa mga akademikong rehistro sa larangan ng mga Agham Panrehabilitasyon. Ito ay isang malaking hakbang at kontribusyon sa mga larangang espesyalisado, teknikal at sa pagbuo ng glosaryo sa kasaysayan ng leksikograpiya at pagsasalin sa Pilipinas dahil isa ito sa mga isinaling glosaryo sa Filipino sa larangan ng mga Agham Panrehabilitasyon.
