Varayti ng Filipino-Meranaw sa Iligan City: Tungo sa Pagbuo ng Isang Modelo sa Pagsusuri ng Varayti ng Wika
Synopsis
Ang pag-aaral ay pinamagatang Varayti ng Filipino-Meranaw tungo sa pagbuo ng isang modelo sa pagsusuri ng varayti ng wika. Ang pangkalahatang layunin ay ang masuri ang varayti ng Filipino-Meranaw sa Iligan City. Ang mga tiyak na layuning tinugon sa pagaaral: 1) Matukoy ang mga salik ang nakaimpluwensiya sa pagkakaroon ng varayti ng Filipino-Meranaw; 2) Mailarawan ang varayti sa lawak ng a.) ponolohiya b.) morpolohiya at c.) sintaksis/pragmatiks at 3) Makabuo ng isang modelo sa pagsusuri ng varayti ng wika.
