Pakkawawan Anna Passalba: Kalagayan ng Wikang Gaddang sa Siyudad ng Cauayan, Isabela

Authors

Janine M. Villanueva
Philippine Normal University - North Luzon

Synopsis

Ang bawat grupo ng mga indibidwal ay may kani-kaniyang kultura't paniniwala na nakatutulong sa pagbuo o paglinang ng wikang umaangkop sa kanilang pangangailangan. Batay na rin sa isang lumang kasabihan na, “Walang taong nakapag-iisa,” ang pinaka-esensyal na sandata upang matugunan ito ay ang pagkakaroon ng wikang magdurugtong sa bawat tao sa isang komunidad.

Ayon nga kay Lumbera (2003), Pambansang Alagad ng Sining sa Literatura, “parang hininga ang wika, sa bawat sandali ng buhay natin ay nariyan ito. Palatandaan ito na buhay tayo, at may kakayahang umugnay sa kapwa nating gumagamit din dito”. Ang bawat wika ay pinagyayaman mismo ng mga taong kasangkot sa isang komunidad na nalilinang sa iba‟t ibang aspekto. Isa ang sarili nating wika na siyang bumubuo sa ating pagkatao. Nang dahil dito, nagkakaroon tayo ng tiyak at tunay na identidad na nagmumula mismo sa atin at hindi maituturing na hiram. Nagiging ganap ang ating pagkatao sapagkat tiyak ang dahilan nito – ang wika at kultura.

Cover for Pakkawawan Anna Passalba: Kalagayan ng Wikang Gaddang sa Siyudad ng Cauayan, Isabela
Published
February 28, 2024
Categories